Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

1 kilo pakpak ng manok
¼ tasa mantikilya
¼ tasa hot sauce
1 kutsara suka
½ tasa mantika
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Budburan ng asin at paminta ang manok.
  2. Ilagay sa isang tabi.
  3. Sa isang malalim na kaldero, magpainit ng mantikang pamprito.
  4. Iprito dito ang manok hanggang sa ito’y lumutong.
  5. Patuluin sa paper towel ang nalutong manok.
  6. Sa isang sauce pan, tunawin ang mantikilya.
  7. Isunod ang hot sauce at suka. Haluin mabuti.
  8. Kapag nagsama-sama ang lahat ng timpla, ilagay ang manok upang mabalutan ito ng sauce.
  9. Masarap na isawsaw sa blue cheese dip.