Buksan ang pangunahing menu

SangkapBaguhin

20 piraso manibalang na saging na saba
5 tasa tubig
1 tasa suka
1 kutsara tinadtad na bawang
20 piraso sibuyas tagalog, tinadtad na pino
4 kutsarita asin
2 kutsara pulang food color

Paraan ng paglutoBaguhin

  1. Ilaga ang saba hanggang lumambot.
  2. Hiwain sa ½" na laki.
  3. Magsukat ng 4 na tasang siniksik na saba.
  4. Isama sa 5 tasang tubig.
  5. Gilingin hanggang pino.
  6. Sa kaserola, pakuluan ang suka, bawang, sibuyas, at asin.
  7. Palamigin sandali at salain.
  8. Ibalik sa kaserola at idagdag ang giniling na saging.
  9. Lutuin nang 30-40 minuto o hanggang lumapot.
  10. Maglagay ng sapat na pulang food color.
  11. Isalin sa mga boteng malinis.