Pagluluto:Shrimp Scramble

Sangkap baguhin

4 piraso itlog
2 kutsara gatas
½ kutsarita asin
¼ kutsarita pamintang puti
1 ½ tasa binalatang lutong hipon
¼ tasa mantikilya

Paraan ng pagluto baguhin

  1. Batihin ang mga itlog kasama ng gatas, asin at paminta.
  2. Ihalo ang hipon.
  3. Magpainit ng kaunting mantikilya sa kawali.
  4. Lutuin ang binating itlog at hipon hanggang mabuo.
  5. Ihain kasama ng tinustang tinapay.