Pagluluto:Pasta Salad

Sangkap baguhin

½ kilo twisted pasta, nilutong al dente
1 tasa hiniwang hamon
1 tasa hiniwang keso
½ tasa hiniwang julienne na siling pula
½ tasa hiniwang julienne na siling berde
1 tasa hiniwang sibuyas

Dressing baguhin

1 tasa suka
½ tasa olive oil
1 kutsarita asukal
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng paghalo baguhin

  1. Paghaluin ang pasta, hamon, keso, mga sili at sibuyas.
  2. Sa isang boteng may takip, pagsamahin ang mga sangkap ng dressing.
  3. Alugin para mahalo.
  4. Ibuhos sa pasta at haluing maigi.
  5. Palamigin bago ihain.