Pagluluto:Maja Blanca

Sangkap baguhin

2 tasa kakang gata
4 pakete unflavored gelatin
½ tasa gatas
1 tasa mais, nilaga¹
6 tasa gata

¹ - maaring palitan ng ½ lata ng mais, pinatulo

Paraan ng pagluto baguhin

  1. Ilagay ang gelatin, gatas at sabaw ng mais sa isang mangkok.
  2. Haluin.
  3. Isalang sa kawali ang gata.
  4. Haluin hanggang kumulo.
  5. Isama ang pinaghalong gelatin at tuloy-tuloy ang paghalo.
  6. Kapag lumapot ay isalin sa lyanera at idagdag ang mais.
  7. Palamigin para mabuo.