Sangkap baguhin

2 kilo malagkit na bigas
1 lata gatas na kondensada
4 tasa tubig
1 kutsarang vanilla
1 tasa pulang asukal
4 piraso niyog, kinudkod (itabi ang gata)

Paraan ng pagluto baguhin

  1. Isaing ang malagkit na bigas.
  2. Ilagay ang asukal na pula, gata ng niyog, gatas na kondensada at vanilla sa kaserola.
  3. Haluin at pakuluin.
  4. Idagdag ang sinaing na malagkit na bigas at lutuin hanggang lumapot.
  5. Ilagay ng patag sa bilao na may dahon ng saging.
  6. Hiwain bago ihain.