Lunas Gamit ang Halamang Gamot at Haydroterapi/Lunas sa hika

Ang hika ay karamdaman ng tubong daanan ng hininga. Ang mga palatandaan nito ay paninikip ng dibdib, pangangapos ng hininga, at pag-ubo.

Paggamot ng Tubig baguhin

  • Pomento sa dibdib. 2 ulit sa loob ng isang araw. (Paraan)
  • Lumanghap ng singaw, 2 ulit maghapon. (Paraan)

Ehersisyo sa Paghinga baguhin

  • Mag-ehersisyo sa paghinga sa loob ng 10 hanggang 15 minuto kung walang atake ng karamdaman. 4 na ulit maghapon.
  • Umupo nang naka-relaks sa isang luklukan, na may unan ang likod.
  • Huminga ng paloob sa pamamagitan ng ilong. Ibuka nang kaunting pabilog ang mga labi at bumuga nang tila bumubuga sa pamamagitan ng isang istro. Bumuga ng dalawang ulit pagkatapos na huminga nang paloob. Utay-utay na dagdagan ang pagbuga.
  • Magrelaks pagkatapos bumuga at huminga ng karaniwan nang tatlo hanggang apat na ulit, bago ulitin ang paraan sa itaas. Maaari itong gawin sa umaga pagkagising o kaya ay sa gabi bago matulog. Maaari rin itong gawin kapag kinakapos ng hininga samantalang gumagawa ng ibang gawain.

Paggamot ng Halaman baguhin

Talumpunay baguhin

  Magbilot ng 2 tuyong dahon.
    Sindihan ang kabilang dulo at hithitin na parang sigarilyo tuwing ika-6 na oras.

Kalatsusi baguhin

  Magbilot ng 2 tuyong dahon.
    Gamiting tulad ng sigarilyo, isa sa umaga at isa sa hapon.

Sampalok baguhin

  Kumuha ng balat ng puno ng sampalok na isang talampakan ang haba. Tadtarin at pakuluan ng 10 minuto sa 3 basong tubig.
    Dosis:
Matanda: 1 tasa pagkatapos kumain at bago matulog.
Bata: ½ tasa, 4 na ulit maghapon (pagkatapos kumain at bago matulog).
Sanggol: 2 kutsarita. 4 na ulit maghapon (pagkatapos kumain at bago matulog).

Kulitis baguhin

Pakuluan ng 10 minuto ang tinadtad na 5 murang tangkay na may kasamang bulaklak at dahon sa 5 basong tubig.

Dosis:Matanda: 1 tasa, 4 na ulit isang araw. 
Bata: ½ tasa. 4 na ulit maghapon.Sanggol: 2 kutsarita, 4 na ulit isang araw.
PAHIWATIG: Ang paggamot na ito ay lalong mabuti sa labis na paglabas ng plema.